Monday, July 1, 2019

Pamasahe

Sa may Jeep...

Pasahero: Manong magkano pamasahe?
Driver: Otso lang boy!’.

Dumukot sa bulsa ang pasahero. Napansin nyang kulang pala ang pamasahe nya P4.00 lang ang pera nya. Napansin nya na duling pala ang driver.

Pasahero: Ayos! Tama-tama lang doble ang paningin ng duling na driver. (wika nya sa sarili)
at inabot nya ang pamasahe.


Pasahero: bayad po manong.
Driver: Kulang to boy!


Pasahero: Anong kulang? Di ba  P8.00 lang ang pamasahe?
Driver: Oo! Otso lang ang inabot mo, e dalawa kayo, kulang ka pa ng otso!

No comments:

Post a Comment

Mabilis Sumagot sa Math